ANO NGA BA ANG SOCIAL MEDIA ?

Noemefatallar
5 min readJan 21, 2021

--

https://images.app.goo.gl/w6fUHNsSujSV7y6G9

Ang socia media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

Sa panahon nating ngayon ay halos lahat ng mga tao ay gumagamit na ng social media ma pa matanda man o bata.L ahat ay nakikisabay na sa takbo ng social media.At salukoyang panahon ay napaka importante na ng social media dahil dito na umiikot ang mundo ng napakarami tao.Marahil dahil tayo ngayon ay humaharap sa tinatawag na pandemya na kung saan ay isa susi ang social media upang malaman natin ang mga nangyayari sa labas ng ating bahay o sa ibang lugar.

“KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA ”

Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang kahalagahan na naiaambag nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang social media ay hindi maikakaila na produkto ng makabagong teknolohiya,

Ang social media ay nagkaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral.Isang dahilan ang social media upang mas maging mahusay sa pag-aaral ang mga bata. Isa din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong gustong malaman at hindi na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at maghanap ng mga impormasyon.

Magandang epekto ng Social Media

Maraming sites sa internet ang kadalasan na naaccess ng mga kabataan. Kabilang dito ang facebook,twitter,instagram,youtube , at mga laro tulad ng Dota,Clash of clans at kung ano ano pa. Sa isang klik lamang ay maaari ka nang mapabilang sa isa o sa lahat ng mga to. Maraming kabataan na ginagawang social networking sites na ito bilang libangan.

Pero ano nga ba ang mga epekto ng mga ito sa kabataan sa panahon ngayon? Unang bagay dito ay ang pagiging tamad ng mga kabataan sa pag aaral dahil sa mga sites na mayroon ay nahahti ang kanilang atensyon. Mas marami pa silang ginugugol na oras sa pag accss o paglalaro kaysa sa pag aaral. Mas nagiging interesado sila sa mga bagay na makikita sa sites kesa pagtyagaan ang mga aralin sa paaralan. Dahil din s mga social networking sites na ito ay nagiging aktibo ang mga estudyante sa latest na bagay at sa kung anong uso.Nagiging ugali nila ang makiuso sa mga sikat na nagpapabago sa kanilang mga ugali. Dahil din sa mga social networking sites marami kabataan ang nalalayo sa tamang landas.Marami sa kanila ang nalululong sa mga larong kinasisira ng kanilang pag aaral. May pagkakataon pa na hindi sumisipot ang ibang mag-aaral makapaglaro lamang ng mga Dota o clash of clans o di kaya’y magfacebook lamang. Marami din kabataan ang naiimpluwensiyahan ng mga laro at napapanuod nila. May nga naappektuhan ng mga madadahas na pamumuhay. May ibang kaso pa nga na nakakapatay ang mga kabataan ng kapwa nila dahil lamang sa inis o galit sa mga laro. Nagiging sanhi ito upang maging brutal sila at malulong sa madaming gawa. Ngunit sa kabila nito ay nasa tao padin ang limitasyon ng bawa bagay. Kahit ano pa mang ibigay ng buhay na ito ay dapat marunong tayong magkontrol sa mga ito. Dahil walang ibang magiging responsibilidad sa ating sarili kundi tayo. Dapat may sapat na gabay ang mga magulang sa kabilang mga anak.

MGA EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA ISANG INDIBIDWAL

Magandang epekto ng social media

Nagkakaroon sila ng support system

Hindi maikakailang pinaliit na ng internet at social media ang mundo. Saan man naroroon ang mga tao, makakahanap sila ng suporta pagdating sa mga bagay na mahalaga sa kanila. Bilang magulang, tungkulin mong siguraduhing ang mga suportang nakukuha nila ay para sa mga hilig nilang hindi makakasama sa kanila.

Mayroon silang nagagamit na research tool

Noon, library, research papers, at interviews lamang ang nagagamit ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral. Ngayon, maaari na silang mag-research online para sa kanilang mga pangangailangan sa eskwelahan.

Nagkakaroon sila ng sense of belonging

Iba’t-ibang klase ng tao ang mayroong social media siguradong may mahahanap na mga kaibigan ang iyong mga anak. Hindi man ay dito sila madalas mag-interact ng mga kaibigan niya sa totoong buhay. Dito sila nakakahanap ng sense of belonging dahil na rin madaling humanap dito ng katulad nilang pareho ang mga hilig o hindi naman kaya ay pag-iisip.

Masamang epekto ng social media

Maling balita o maling payahag

Isa ito sa masamang epekto ng social media sa atin,Kung saan nakakakuha tayo ng mga maling balita na ikakalat sa social media.Isa to sa pinaka problema ng social media na mahirap masulosyonan marahil marami masyado ang gumagamit ng social media at ganun din karami ang nagkakalat ng maling balita o payahag.

Naiimpluwensyahan ang karamihan sa mga kabataan gumawa nang masama

Napakarami ang gumagamit ng social saatin,kaya’t iba’t-ibang tao ang pwede mong makita o makusap na maglalandas sayo ng masama o kabutihan.Ngunit napakarami parin ang nalalandas sa kasamaan,Meron ditong makikita ka na “pang bubully, diskriminasyon sa ibang tao,pang-aabuso” na kung saan pwede kang maging biktima o ikaw mismo ang mangbibikta dala na din ng pagkaimpluwensya sayo ng social media.

Sa panahon ngayon kailangan nating maging praktical upang maiwasan ang mga maling gawain ng mundo lalo na sa henerasyon ngayon kailangan nating matutunan ang responsableng paggamit ng social media account upang maging daan tayo sa paglago ng tamang gawain at maipakaita natin ang tamang paraan at mabuting modelo ng mundo.

Sa panahon ngayon kailangan nating maging praktical upang maiwasan ang mga maling gawain ng mundo lalo na sa henerasyon ngayon kailangan nating matutunan ang responsableng paggamit ng social media account upang maging daan tayo sa paglago ng tamang gawain at maipakaita natin ang tamang paraan at mabuting modelo ng mundo.

https://images.app.goo.gl/AGCt8KL4Qrf7qPzM7

--

--